Home NATIONWIDE 120 distressed OFWs napauwi na sa bansa – IACAT

120 distressed OFWs napauwi na sa bansa – IACAT

255
0

MANILA, Philippines – Nasa 120 distressed overseas Filipinos (OFs) na nabiktima ng human trafficking sa Laos, Myanmar at Cambodia ang napauwi na sa bansa, sinabi ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) nitong Lunes, Agosto 18.

Sa 120 indibidwal, 77 ang nasagip mula sa Laos, 37 mula Myanmar, at lima mula Cambodia.

Lumapag sa bansa ang repatriation flights ng mga ito mula Hulyo 31 hanggang Agosto 9.

Ayon sa mga awtoridad, ang mga biktima ay inakit ng mga pekeng job offer online na nagpapangako ng mataas na sahod.

Sa halip na pangakong trabaho, ang mga ito ay ginawang scammer sa mga love scam hub, ikinulong at inabuso pa.

“Most of the traffickers conduct their recruitment activities online and it’s challenging to trace their identities. Nevertheelss, IACAT member-agencies are working hard to arrest these perpetrators,” ani DMW Assistant Secretary Jerome Alcantara.

“We’re also investing heavily in information dissemination to warn the public,” ayon kay Alcantara.

Ang mga napauwing manggagawa ay nakatanggap ng financial, medical, at psychosocial assistance sa kanilang pagdating.

Sinuportahan din ang mga ito ng kanilang matutuluyan hanggang sa mapauwi sa kani-kanilang mga probinsya.

Samantala, sinabi ng IACAT na inaasahang mas marami pang Filipino ang darating sa bansa sa mga susunod na araw.

Ang ilan sa mga OFW ay mula sa Baghdad, Nigeria at Kurdistan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here