MALAYSIA – Pwersahang inilikas ang nasa 122,000 katao dahil sa malawakang pagbaha dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan sa Malaysia.
Nalampasan nito ang record na 188,000 inilikas na residente sa pinakamatinding pagbaha ngayong taon.
Samantala, nananatiling nasa apat ang naitalang nasawi sa Kelantan, Terengganu at Sarawak.
Napuruhan sa pagbaha ang Kelantan kung saan 63% ng 122,631 katao na inilikas ang nagmula rito, ayon sa datos mula sa National Disaster Management Agency.
Nasa 35,000 katao naman ang inilikas mula sa
Terengganu, at ang nalalabi ay mula sa pitong iba pang estado.
Nagsimula ang malalakas na pag-ulan ngayong lingo sa Pasir Puteh sa Kelantan, kung saan umabot sa hanggang hita ang taas ng tubig-baha.
Idineploy na ang libo-libong emergency services personnel sa flood-prone states kasama ang mga rescue boat, four-wheel-drive vehicles at helicopters, ayon kay Deputy Prime Minister Ahmad Zahid Hamidi, na chairman ng National Disaster Management Committee. RNT/JGC