Home HOME BANNER STORY 125-araw accomplishment report, isinumite ng ICI sa Pangulo

125-araw accomplishment report, isinumite ng ICI sa Pangulo

202
0

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) noong Biyernes, Pebrero 6, na naipasa na nito kay Pangulong Marcos ang buod ng ulat na naglalaman ng mga “accomplishments and activities” ng komisyon sa loob ng nakalipas na 125 araw.

Sa isang pahayag sa media, sinabi ng ICI na nakapaghatid ito ng “substantial and measurable results” sa loob lamang ng tatlong buwan sa kabila ng “constrained manpower and resources.”

Ipinagmalaki ng komisyon ang mga nagawa nito sa gitna ng mga batikos mula sa dating at kasalukuyang opisyal ng gobyerno, mga aktibista, at mga sibilyan na nagsasabing wala pa umanong “big fishes” na nakukulong kaugnay ng mga maanomalyang flood control projects mula nang mabuo ang ICI noong Setyembre 2025.

Saklaw ng ulat ang mga aktibidad ng komisyon mula Setyembre 15, 2025 hanggang Enero 18, 2026. Kabilang sa mga nakasaad na nagawa ng ICI ang siyam na referral sa Office of the Ombudsman na sumasaklaw sa 64 na indibidwal, at koordinasyon ng isa pang referral sa Department of Justice na may 66 na indibidwal.

Nagsagawa rin ang ICI ng kabuuang 32 pagdinig na kinasangkutan ng 36 na saksi at umabot sa humigit-kumulang 44 na oras ng mga pagdinig. Na-validate rin ang mga natuklasan sa pamamagitan ng inspeksiyon sa 16 na lugar at pagproseso ng 1,173 kaugnay na dokumento.

Ayon sa ulat, na-freeze ang 6,692 bank accounts at nasamsam o napreserba ang kabuuang P24.7 bilyong halaga ng mga ari-arian. Nagsagawa rin ang komisyon ng walong inter-agency coordination meetings at naglabas ng 146 pormal na liham at issuances, kabilang ang 55 data request letters, pitong recommendation letters, dalawang kahilingan para sa Immigration Lookout Bulletin Order, 76 resolusyon, at limang memorandum of agreement o understanding sa mga katuwang na institusyon.

Ayon sa ICI, ang pagsusumite ng 125-day report ay naganap “at a critical juncture for the Commission” kasunod ng sunod-sunod na pagbibitiw sa puwesto nina dating Commissioners Rogelio “Babes” Singson at Rossana Fajardo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here