Home OPINION PAGSIRIT NG PRESYO AT PANGANIB SA OFWs

PAGSIRIT NG PRESYO AT PANGANIB SA OFWs

252
0

MAAARING lalala ang pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa dahil sa girian ng United States at Israel at Iran.

Pinakahuling pangyayari ang pag-capture ng Iran ng dalawang malalaking barko sa Strait of Hormuz na may dala-dalang langis na umano’y ismagel o ninakaw mula sa Iran.

Dinala ang mga barko sa isang pier sa Iran at kinuha nila ang lahat ng crew ng mga barko na sa paniniwala nila’y konektado sa US.

Lilitisin sila sa ismagling at iba pang posibleng krimen.

Ang inaalala natin, mga brad, ay kung may mga Pinoy na crew ng mga barko dahil napakaraming Pinoy ang nakasakay sa mga katulad na barko.

Dapat alamin ng pamahalaan kung may nadamay na Pinoy at gumawa ng mga kaukulang hakbang upang mapalaya ang mga ito.

Isa pang inaalala natin ang posibleng ibubunga nito sa presyo ng petrolyo sa Pilipinas.

Ang Strait of Hormuz ay pasukan-labasan ng mga barko na may kargang langis at iba pang mga kalakal mula Oman papasok sa Persian Gulf.

Apektado ang mga bilihan at kalakalan ng langis at iba pa sa bansang Iran mismo, Saudi Arabia, Bahrain, , Iraq, Kuwait, Qatar at Oman at isipin pang dito pangunahing nanggagaling ang suplay ng langis para sa Asya, kasama na ang Pilipinas.

Nasa 27 porsyento ng suplay ng langis sa mundo ang dumaraan dito kaya tayo’y nag-aalala na lalo pang tumaas ang mga presyo ng mga produktong petrolyo sa atin at magpahihirap tiyak sa atin.

Kung palatandaan ang ginawa ng Iran ng giyera nito laban sa US at Israel, tiyak na maaapektuhan ang milyong overseas Filipino workers sa buong rehiyon.

Nasaan ang mga paghahanda ng ating pamahalaan para iligtas sa panganib ang ating mga OFW?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here