Home METRO 13.5K pamilya sa NegOcc inilikas sa matinding pagbaha

13.5K pamilya sa NegOcc inilikas sa matinding pagbaha

DCIM101MEDIADJI_0198.JPG

MANILA, Philippines –  Inilikas ang nasa 13,509 pamilya mula sa Negros Occidental dahil sa malalakas na pag-ulan at pagbaha dulot ng southwest monsoon o Habagat na pinalakas ng Tropical Storm Ferdie.

Ang 13,115 pamilya, o 42,702 indibidwal ay mula sa 65 na mga barangay sa 15 local government units (LGUs) batay sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

“The provincial government is conducting continuous monitoring of increased water level and flooding incidents and coordinates with LGUs regarding augmentation of prepositioned assets once needed,” saad sa report ng PDRRMC.

Nasa kabuuang 1,321 pamilya, o 4,340 katao ang tumutuloy sa mga evacuation center habang ang 197 pamilya o 638 indibidwal ay tumutuloy sa kanilang mga kaanak.

Kabilang sa mga apektadong LGU ay ang Pulupandan, San Enrique, Valladolid, Pontevedra, Hinigaran, Isabela, La Castellana, Moises Padilla, Ilog, Cauayan at Hinoba-an, maging sa mga lungsod ng Bago, Himamaylan, Kabankalan at Sipalay.

Sa Bacolod City, iniulat ng Department of Social Services and Development ang paglilikas sa 1,382 inidbidwal o 394 pamilya mula sa 10 barangay sa lungsod mula pa noong Biyernes.

Hanggang nitong Sabado, Setyembre 13 ay mayroong 234 pamilya o 707 katao ang nananatili sa mga evacuation center. RNT/JGC