Home METRO 13-anyos na suspek sa rape-slay sa 8-anyos sa QC, kakasuhan

13-anyos na suspek sa rape-slay sa 8-anyos sa QC, kakasuhan

226
0

MANILA, Philippine – Kakasuhan ang isang 13-anyos na batang lalaki dahil sa umano’y pagpatay at panghahalay sa kanyang kapitbahay na walong taong gulang na batang babae sa Quezon City.

Ang kasong rape at homicide ay inihain ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District.

Dinala na ang batang suspek sa Molave Youth Home habang hinihintay ang desisyon ng city prosecutor sa kaso.

“Nakuwento niya na gusto niyang gawin yung napanood niya tapos parang hindi pumayag yung biktima,” ani Fairview Police Station Commander P/Lt. Col. Geronimo Dimayuga Jr.

Sinabi ng lola ng biktima na nahihirapan siyang tanggapin ang nangyari sa kanyang apo, lalo na nang personal niyang kilala ang suspek at ang pamilya nito.

“Talaga dapat tratuhing adult kasi nag-deny siya na kungyari wala siyang kaalam-alam, sumama pa siya sa paghahanap. Ganun ba ang bata? Hindi ganun ang bata,” ani Cecilia Lopez.

Sa kabila nito, sinabi ng Juvenile Justice and Welfare Council na maaari lamang ibasura ang kaso laban sa menor de edad na suspek dahil 15 taong gulang ang minimum na edad para sa criminal liability sa bansa.

“Ayaw kong pangunahan si judge, pero kung pagbabasehan natin ang batas, madi-dismiss yun dahil wala siyang criminal liability. Dahil ang minimum age of criminal responsibility ay above 15 years old,” ani executive director Tricia Clare Oco. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here