Home HOME BANNER STORY Pinoy inaresto sa US sa pagpapadala ng pera sa terorista

Pinoy inaresto sa US sa pagpapadala ng pera sa terorista

294
0

MANILA, Philippine – Inaresto sa California ang 28-anyos na Filipino green card holder na kinilalang si Mark Lorenzo Villanueva dahil sa umano’y pagpapadala ng pera sa mga taong konektado sa teroristang ISIS.

Kinasuhan siya ng U.S. Department of Justice ng pagtatangkang magbigay ng suporta sa dayuhang grupong terorista—na may parusang hanggang 20 taong pagkakakulong.

Umabot sa $1,615 ang ipinadala niya sa loob ng limang buwan sa pamamagitan ng dalawang tagapamagitan sa ibang bansa.

Ayon sa awtoridad, nagpahayag si Villanueva ng suporta sa ISIS at kagustuhang lumaban para sa grupo.

Natagpuan din umano ang isang bagay na kahina-hinalang bomba sa kanyang silid.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs na binabantayan nila ang kaso at handang magbigay ng legal na tulong kung kinakailangan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here