BATAAN – Bilang pagkilala sa kabayanihan at katapangan sa pakikipaglaban at pagtatanggol sa kalayaan ng bayan laban sa mga mananakop noong Ikalawang Pandaigdigang Digmaan, pinarangalan at binigyang-pugay ng Bataan Provincial Government ang 13 nabubuhay pang mga beterano sa Bataan kasabay ng paggunita at selebrasyon ng ika-84 na taon ng Araw ng Kagitingan.







