Home NATIONWIDE 13 parak sa Nueva Vizcaya, Quirino kinasuhan ng NBI

13 parak sa Nueva Vizcaya, Quirino kinasuhan ng NBI

267
0

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 13 na pulis na kinabibilangan ng pitong pulis mula sa Nagtipunan, Quirino Province at anim na pulis mula naman sa Nueva Vizcaya matapos maharap sa magkakahiwalay na kaso.

Kinabibilangan ng isang Police Major at anim na iba pa na hindi nabanggit ang ranggo mula sa Nagtipunan Police Station ang dawit sa pagbaril at pagkasawi ni Jim White noong Mayo 28, 2025 sa San Pugo, Nagtipunan, Quirino.

Sinabi ng NBI na ang reklamong muder ay inihain laban sa anim na police officers sa Office of the Provincial Prosecutor sa Quirino noong Agosto 5 dahil sa pamamaril kay Jim White.

Nakatakda sanang silbihan ng Warrant of Arrest si White subalit nanlaban ito sa mga hanay ng pulisya kung kaya’t nabaril at napatay.

Ayon kay NBI Head Agent Virgilio Reganit, lumapit ang kapatid ng biktima sa NBI Satellite Office sa nabanggit na lalawigan para maghain ng kaukulang reklamo dahil sa hinihinalang foul-play o ambush slay na ginawa sa kaniyang kapatid.

Dagdag pa ng kapatid ni White na nakatakda na rin sana itong sumuko dahil naayos naman na umano ang kinakaharap nitong kaso kaya walang dahilan para lumaban ito sa mga hanay ng pulisya.

Samantala, matapos ang acquittal sa kasong isinampa kontra kay Freddie Mallari mula Bone South, Aritao, Nueva Vizcaya tungkol sa pagtatago umano ng baril na walang kaukulang dokumento, nagsampa naman ng kaso si Mallari kontra sa anim na pulis na dating miyembro ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office o NVPPO.

Kabilang sa anim na pulis mula sa PIU ang isang Major, isang Master Sergeant, dalawang Corporal, isang patrolman at isang pulis na hindi binanggit ang ranggo mula naman sa Aritao Police Station.

Batay sa naibahaging impormasyon ng mga awtoridad, may nakitang improvised shotgun na may bala ang mga pulis subalit bago pa ang isinagawang operasyon, patagong nakuhanan ng video ni Mallari ang lugar kung saan wala naman umanong baril.

Kung kayat masusing iniimbestigahan ng NBI ang isinampang kaso laban sa mga kapulisan. REY VELASCO/Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here