MANILA, Philippines – Sanib-puwersa ang Department of Engineering and Pubic Workes (DEPW) katuwang ang Meralco at mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa upang malinis ang mga iligal na koneksyon ng ilaw sa loob ng Manila North Cemetery (MNC).
Kasunod ito ng sumbong o impormasyon na talamak ang jumper at pagnanakaw ng kuryente ng mga nakatira sa loob ng naturang sementeryo.
Sinuyod ng mga awtoridad ang bawat musuleo at mga bahay na nakatirik sa loob ng MNC para sa wire clearing operation.
Lahat ng illegal na koneksyon ng kuryente at jumper ay pinagpuputol at kinumpiska ang mga kawad saka binigyan ng babala ang mga gumawa nito.
Ayon sa mga residente, nagbayad sila ng P40,000 hanggang P50,000 sa isa sa taga-Meralco na hindi pinangalanan at nag-alok sa kanila ng koneksyon ng kuryente kung saan bnilagyan sila ng mga sub-meter.
Matatandaan na nitong nakalipas na araw ay sunod-sunod ang isinagawang clearing at cleaning operations sa naturang sementeryo saka hinakot ang mga nakaharang sa daanan maging ang ilang videoke machine na itinatago pa sa loob ng museleo na ginawang tahanan. Jocelyn Tabangcura-Domenden