Home METRO 13-anyos pinakabatang nagka-HIV sa Palawan dahil sa pakikipagtalik

13-anyos pinakabatang nagka-HIV sa Palawan dahil sa pakikipagtalik

PALAWAN – Isang 13-anyos sa Palawan ang pinakabatang kaso ng HIV na nakuha sa pakikipagtalik, ayon sa City Health Office (CHO) at Amos Tara Community Center.

Nagbabala ang mga opisyal sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga menor de edad na may HIV.

Ayon kay CHO Program Coordinator Regina Villapa, may 17 kaso ng HIV sa mga batang hanggang 14 taong gulang, kabilang ang isang sanggol na nahawa mula sa ina.

Sa mga kabataang edad 15-24, may 391 kaso; sa 25-34, may 593 kaso; sa 35-49, may 187 kaso; at 22 kaso sa edad 50 pataas.

Ang Puerto Princesa ang may pinakamaraming kaso ng HIV sa MIMAROPA, na may 709 sa kabuuang 1,198 kaso sa Palawan mula 1988.

Ang RedTop Center sa Ospital ng Palawan ang nag-iisang treatment hub sa probinsya, kasalukuyang nagsisilbi sa 1,210 pasyente.

Kahit libre ang HIV testing, marami pa rin ang nag-aatubili dahil sa takot o kakulangan sa kaalaman.

Patuloy na hinihikayat ng mga health officials ang publiko na magpasuri, tiniyak ang pagiging kumpidensyal at madaling access sa testing. RNT