MANILA, Philippines – Pinagtanggol ng isang human rights lawyer ang viral online na si “Nanay Sheila” dahil sa hawak na na litrato ng kanyang dalawang anak na sinasabing biktima ng extrajudicial killings.
Paliwanag ni Atty. Maria Sol Taule, dalawang anak ni aling Sheila ang nasawi—isa ang napatay noong administrasyong Duterte at isa sa ilalim ni Marcos Jr.
Matatandaang kinuwestiyon ng ilang netizens kung kailan talaga napatay ang kanyang anak, kung saan ipinupunto ng ilan na nasawi ang anak niya mula lamang sa termino ni Marcos Jr.
Pinuna ni Taule ang paninirang ito at iginiit na dalawang anak ni aling Sheila ang nasawi at parehong biktima ng extrajudicial killings sa magkaibang administrasyon.
“I was at the presscon where rabid [Duterte] supporters and fake news peddlers attacked Nanay Shiela. They said she was holding a photo of her son killed during the time of Marcos and not Duterte,” anang abogado.
“Wrong, she was holding two photos of her sons here, both killed during the [Duterte] and Marcos admins,” giit naman niya.
“Shame on those who mock the victims,” dagdag pa ni Taule. “May you find a lifetime of misery.”
Binatikos naman ng grupong Karapata ang patuloy na pangha-harass sa mga babaeng naghahanap ng hustisya para sa mga pinatay sa drug war, kabilang si abogadong Kristina Conti, na humaharap sa pagbabanta at online disinformation dahil sa pagtulong sa mga pamilya ng mga biktima. RNT