Home NATIONWIDE 1,358 pamilya sa Pasig, inilikas sa bagyong Kristine

1,358 pamilya sa Pasig, inilikas sa bagyong Kristine

MANILA, Philippines – Inihayag ng Pasig City government na mayroong 1,358 pamilya ang inilikas hanggang nitong Biyernes ng umaga, Oktubre 25 dahil sa patuloy na epekto ng Severe Tropical Storm Kristine sa Metro Manila.

Ayon sa Pasig City Public Information Office (PIO) hanggang 5:30 ng umaga ng Biyernes, mayroong 1,358 pamilya mula sa 17 barangay ang tumutuloy sa 23 evacuation centers sa lungsod.

Ang mga evacuees ay nagmula sa mga sumusunod na barangay:

Bagong Ilog
Bambang
Caniogan
Dela Paz
Kalawan
Kapasigan
Malinao
Manggahan
Maybunga
Pinagbuhatan
Rosario
San Joaquin
San Miguel
Santolan
Sta. Lucia
Sta. Rosa
Ugong

Ang mga evacuees ay kasalukuyang tumutuloy sa mga sumusunod na evacuation center:

Bagong Ilog Elementary School
B. Tatco Covered Court
Bambang Boys Center
Caniogan Rooftop, Barangay Hall
Karangalan Multipurpose
Ismar Covered Court
Kapasigan Child Development Center
Malinao Covered Court
Manggahan Multipurpose
Maybunga Elementary School Annex
Stella Maris Covered Court
Nagpayong Covered Court
Ilugin Elementary School
Damayan Multipurpose
Blue Grass Multipurpose Hall
Rosario Elementary School
San Joaquin Elementary School
San Miguel Covered Court
Ilaya Covered Court
Santolan Elementary School
Sta. Lucia Bliss Multipurpose
3/F Sta. Rosa Barangay Hall
Ugong Barangay Hall Parking Lot

I-refresh lamang ang post na ito para sa pinakabagong impormasyon. RNT/JGC