Home ENTERTAINMENT Second collection isasagawa sa mga misa sa Maynila para sa typhoon victims

Second collection isasagawa sa mga misa sa Maynila para sa typhoon victims

MANILA, Philippines – Magsasagawa ng second collection sa lahat ng Misa ngayong weekend ang mga parokya ng Archdiocese of Manila para sa mga apektado ng bagyong Kristine partikular sa Bicol region at Quezon province.

Sa Circular 2024-75 na may petsang Oct. 24,hiniling ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga pari, team ministry moderators, members, rectors, at chaplains na magsagawa ng second collection sa misa sa umaga at gabi sa Oktubre 26 at Oktubre 27.

“Kindly remit all collections to the Accounting Office of the Arzobispado de Manila on or before 30 October 2024,” sabi ng pinuno ng Manila archdiocese.

Kinilala rin ni Advincula ang mga parokya at Simbahan na nagbukas ng kanilang pinto upang tulungan ang mga apektado ng bagyong Kristine.

“My heart and prayers go out to all those affected by Kristine, particularly in Bicol Region and Quezon Province. We extend our sincere gratitude to the churches and homes that opened their doors to accommodate those affected. The solidarity among Christians is deeply felt in times like these,” sabi pa ng Arsobispo.

“May we request our priests, consecrated men and women, and lay leaders to continue extending the compassion of the Lord Jesus to the victims, the poor, the hungry, and all those in need.”

Binanggit naman ng Catholic bishop na ang Second Collection for Prison Awareness ay inilipat sa Nob. 3, para bigyang-daan ang pangalawang koleksyon para sa mga naapektuhan ng kalamidad. Jocelyn Tabangcura-Domenden