Bulacan – Arestado ang 15 indibiduwal matapos umanong mahulihan ng P351,500 halaga ng iligal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa lalawigang ito.
Sa report kay Bulacan Police director PCOL Satur Ediong, ikinasa ang operasyon ng Malolos, Meycauayan, San Jose Del Monte, Santa Maria, San Miguel, San Rafael, Obando at Bustos police station nitong Marso 12.







