Tatlong aso sa Barangay Poblacion Ilaud, Zarraga, Iloilo ang pinana, kabilang ang dalawang alaga ni Vincent John Bornales at isang aso ni Marielle Caroleen Balintongog.
Bagamat gumaling na ang mga nasaktan matapos mapagamot, nananatili ang pag-aalala ng kanilang mga amo.
Ayon kay Staff Sergeant Ivan Christian Saludares, iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente at tinitingnan kung iisang tao ang may gawa nito.
Napansin ding magkakapareho ang uri ng pana na nakuha sa tatlong aso.
Sinabi ni Barangay Chairman Virgilio Solito, Jr. na ipatatawag nila ang pinaghihinalaang suspek at magpapatupad ng mas mahigpit na patakaran laban sa mga pagala-galang aso sa kanilang lugar. RNT