Home METRO 150 sundalo ipinadala sa Abra para magbantay sa eleksyon

150 sundalo ipinadala sa Abra para magbantay sa eleksyon

BANGUED Abra- Umaabot sa 150 kasundaluhan na miyembro ng 5th Infantry Division Philippine Army na nakabase sa Camp Melchor F dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela bilang dagdag-pwersa sa pagbabantay para sa nalalapit na eleksyon ngayong taon sa nasabing probinsya.

Ayon kay Army Major Ed Rarugal, pinuno ng Division Public Affairs Office ng 5ID, PA nakapokus aniya ang kasundaluhan sa pagbabantay ngayong eleksyon sa mga lugar na hindi napupuntahan ng kapulisan.

Partikular dito ang mga liblib na barangay o sa mga lugar na madalas at pwedeng puntahan ng mga makakaliwang grupo na posibleng magdulot ng kaguluhan o aberya sa panahon ng halalan.

Maging sa probinsya ng Cagayan ay mayroon ding dalawang batalyon ang naka-deploy upang panatilihin ang security forces sa lugar.

Tiniyak ng kasundaluhan ang seguridad ng mamamayan at kaayusan sa mismong araw ng halalan. Rey Velasco