CEBU CITY- Duguang bumulagta ang dating barangay kagawad habang sugatan ang isa pa matapos silang pagbabarilin ng hindi pa kilalang armadong kalalakihan habang ang mga ito ay nakatayo sa waiting shed, iniulat kahapon sa bayan ng Badian.
Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Guillermo Sabala Antipuesto, 42, at Ambrad Santos Calunsag, 72, dating kagawad at residente ng Barangay Candiis, Badian.
Batay sa report ng Badian Police Station, naganap ang krimen bandang alas-4 ng madaling araw noong Lunes Abril 28, 2025 sa Sitio Basangpangpang, Barangay Candiis.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nakatayo ang biktima sa waiting shed sa nasabing lugar nang biglang dumating ang mga suspek sakay ng motorsiklo.
Dito, pinagbabaril ang mga biktima at tinamaan si Antipuesto sa iba’t ibang parte ng katawan habang tinamaan naman sa kanyang braso si Ambrad.
Agad namang dinala sa ospital ng mga rumespondeng awtoridad ang biktima subalit idineklara na ring patay ng umatending doktor si Antipuesto.
Patuloy naman ang ginagawang follow-up investigation pulisya para sa pagkakakilanlan at pagdakip sa mga suspek na mabilis tumakas.
Inaalam na rin ang tunay motibo sa krimen kung kinalaman ito sa politikong masugid na sinusuportahan ng biktima. Mary Anne Sapico