Manila, Philippines – Inamin ni Mariel Rodriguez-Padilla na noong una ay nasasaktan siya kapag naba-bash ang kanyang mister na si Robin Padilla.
Affected din daw siya sa mga kumukuwestiyon sa kakayahan at ginagawa ng aktor sa Senado.
But through the years, natutunan na lang daw niyang dedmahin ang mga batikos kay Robin dahil alam daw naman niya sa sarili ang totoo.
Naging pilosopiya na lang daw niya na ang mga aksyon ng kabiyak o ang mga testimonya ng mga natutulungan nito ang magsalita o magbibigay ng validation sa accomplishment ng senador.
Sa kanilang huntahan ni Pops Fernandez sa vlog ng singer-actress, sinabi rin niya na good provider ang mister dahil ito ang nakatoka sa mga gastusin sa bahay at sa pagpapaaral sa kanilang mga anak.
Gayunpaman, patuloy daw siyang kumakayod dahil ayaw niyang iasa kay Binoe ang kanyang mga personal na kapritso sa buhay.
Bagama’t tini-treat daw siya ni Robin on a date, hindi raw naman nila nakasanayang kumain sa magarbong restaurant.
Sa mga espesyal na okasyon, nireregaluhan din daw siya ng mister pero hindi rin daw bet ng huli na sanayin siya sa luxurious o branded items.
Keber na rin daw siya sa detractors na pinapansin ang kanyang pagtaba dahil ayaw niyang mag-dwell sa kanegahan.
Ang importante raw ay nagagawa niya ang gusto niya at to date ay malusog siya at wala pang maintenence medicines. Archie Liao