Home HOME BANNER STORY 15-anyos blinackmail sa sensitibong bidyo, piktyur; 28-anyos na ex, kalaboso

15-anyos blinackmail sa sensitibong bidyo, piktyur; 28-anyos na ex, kalaboso

MANILA, Philippines – Inaresto sa Caloocan ang isang 28-anyos na lalaki matapos umano niyang takutin at kikilan ang kanyang 15-anyos na dating kasintahan, na pinagbantaang ikakalat ang kanilang sensitibong videos at larawan.

Ayon sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP ACG), nanghingi ng pera ang suspek kapalit ng hindi pagpapakalat ng mga malisyosong materyales.

Naaresto siya sa isang entrapment operation at ngayon ay nahaharap sa mga kasong grave coercion at child abuse.

Kinumpirma ni PNP ACG Spokesperson Lt. Wallen Arancillo na ginamit ng suspek ang kanilang pribadong videos upang pilitin ang biktima. Depensa naman ng suspek, nais lang niyang ayusin ang kanilang paghihiwalay at ipinangakong buburahin ang mga larawan at video pagkatapos nilang mag-usap.

Binigyang-diin ng mga awtoridad na malubhang paglabag sa batas ang ginawa ng suspek, lalo na dahil menor de edad ang biktima. RNT