Tatlo ang nasawi sa banggaan ng isang sasakyan at truck sa Jaro, Iloilo.
Ayon sa imbestigasyon, nagtangkang mag-overtake ang sasakyan sa isang pickup ngunit hindi agad bumalik sa kanyang linya, dahilan upang mabangga ito ng isang paparating na truck.
Nasawi ang driver ng sasakyan, ang kanyang pinsan, at ang kasintahan ng pinsan, na isang miyembro ng Philippine Army.
Ligtas ang truck driver ngunit tumangging magbigay ng pahayag. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. RNT