Home NATIONWIDE 15K pulis ipakakalat sa Traslacion

15K pulis ipakakalat sa Traslacion

MANILA, Philippines – Nasa 15,000 pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police sa gaganaping Traslacion sa Enero 9, kung saan ilan sa mga ito ay naitalaga na noon pang Disyembre.

Sa pagtaya sa 2020 Traslacion, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na nasa dalawang milyong deboto ang inaasahang dadalo sa aktibidad, na kauna-unahan matapos ang pagtama ng pandemya nang tatlong taon.

“Inaasahan natin na mga more or less mga ganun din ang bilang na halos 2 million sa kalahatan ‘yung ine-expect natin na lalahok ngayon,” ani Fajardo.

Maliban sa 15,000 pulis, mayroon ding “reserve standby force” ang PNP na ipadadala kung kakailanganin.

Bilang bahagi rin ng security measure, ang bisinidad ng Quirino Grandstand sa Rizal Park at Quiapo Church ay idedeklarang no-fly at no-sail zone.

“Magsisimula ‘yan sa January 7 at tatagal ‘yan hanggang January 10,” dagdag pa niya.

Ipatutupad ang liquor ban simula Enero 8 hanggang 10, sa 500-meter radius ng Quirino Grandstand at Quiapo Church, maging ang gun ban sa buong lungsod ng Maynila. RNT/JGC

Previous articleDavao-Manado flight planong ibalik
Next article171 dayuhang sex offenders hinarang ng BI na makapasok sa bansa noong 2023