MANILA, Philippines – WALA pang 24 oras ay naaresto agad ng mga tauhan ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng Manila City Hall ang 16-anyos na holdaper gayundin ang buyer ng gintong kuwintas na kanyang tinangay mula sa babaeng estudyante, nitong Lunes ng gabi sa Paco, Maynila.
Iprinisinta ni P/Maj. Edward Samonte, hepe ng SMaRT kay Mayor Isko Moreno Domagoso ang menor-de-edad na suspek at ang 40-anyos na bumibili at nagbebenta ng ginto na si alyas “Peter” matapos na mabawi sa kanya ang gintong kuwintas na kinuha sa estudyante.
Ayon kay Yorme, nag-aabang umano ng masasakyan sa tapat ng Kartilya ng Katipunan noong Linggo ng gabi ang 22-anyos na biktimang estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), kasama ang kaibigang estudyante, nang tulungan sila ng suspek na makasakay sa pampasaherong jeep.
Sumakay din ang suspek at dito na tinutukan ng patalim ang biktima at puwersahang kinuha ang kanyang suot na gintong bracelet na nagkakahalaga ng P21,000.00.
Inatasan naman ni Domagoso si Maj. Samonte na sampahan ng kasong paglabag sa Anti Fencing Law si alyas Peter habang robbery naman sa menor-de-edad na binatilyo sa Manila City Prosecutor’s Office. JAY Reyes