Home NATIONWIDE PBBM pumiyok sa reyalidad ng kabiguan sa edukasyon sa Pinas, nangako ng...

PBBM pumiyok sa reyalidad ng kabiguan sa edukasyon sa Pinas, nangako ng reporma

120
0
Sa pagsikat ng araw at pagtunog ng mga kampana ng paaralan, nagsimula ang unang araw ng paaralan sa Gen.T De Leon Elementary School sa Valenzuela City na may halo-halong emosyon.Habang ang ilan ay umiiyak at nakakapit sa kanilang mga magulang, ang iba naman ay sabik na nagsisiksikan sa pasukan, sabik na simulan ang kanilang bagong akademikong paglalakbay. Val Leonardo

MANILA, Philippines -NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng agresibong askyon para tugunan ang ‘learning crisis’ na kinahaharap ng sektor ng edukasyon sa bansa.

Hangad ng Pangulo na lumikha ng pangmatagalang epekto para sa mga estudyanteng pinoy, mga guro at pamilya.

Sa kanyang pang-apat na State of the Nation Address (SONA), araw ng Lunes, Hulyo 28, tanggap ng Pangulo ang mga usapin na kinahaharap ng mga filipinong estudyante ngayon, kabilang na ang malawakang ‘learning poverty, mataas na dropout rates, at tuloy-tuloy na kakulangan sa kaalaman sa pagbabasa, matematika at agham.’

“Malinaw sa atin ang tumambad na realidad tungkol sa ating mga kabataan ngayon—ang kakulangan sa kaalaman at kakayahan, lalo na sa matematika, sa agham, sa pagbabasa, at sa wastong pag-unawa,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Binigyang diin ang nagpapatuloy na pagsisikap ng kanyang administrasyon para tuldukan ang learning crisis, ipinagmalaki naman ng Pangulo ang rollout ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) program para sa ‘structured interventions’ sa foundational skills.

Binigyang diin naman ng Pangulo na mas palalawakin pa ang pagsasagawa ng summer tutorials at remedial classes.

Base sa 2022 results ng Programme for International Student Assessment (PISA), ang Pilipinas ay pumwesto sa pang-anim, pinakamababa sa hanay ng 81 bansa at mga ekonomiya na nagpartisipa sa pag-aaral, mayroong Filipinong mag-aaral ang napag-iiwananan na sa pagbabasa, matematika at agham.

Pumangalawa naman sa pagiging kulelat ang mga estudyanteng Pinoy pagdating sa creative thinking.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ng Pangulo na ang edukasyon ang manananatiling ‘most urgent priority’ ng kanyang administrasyon, higit pa kaysa sa infrastructure spending.

“Sa lahat ng mga pinahahalagahan ng administrasyon, ito pa rin ang nasa rurok,” binigyang diin nito.

At para tugunan ang infrastructure gaps sa edukasyon, nangako naman si Pangulong Marcos na magpapagawa ng 40,000 silid-aralan bago matapos ang kanyang termino, sa pakikipagtulungan sa pribadong sektor.

Hinikayat naman nito ang Kongreso na maglaan ng sapat na pondo para ma-meet ang lumalagong demand, kahit pa iniulat niya na mayroong 22,000 silid-aralan ang naitayo sa nakalipas na tatlong taon.

“Hindi na dapat nabibitin ang oras nila sa klase dahil sa kakulangan sa classroom,” aniya pa rin.

Binigyang diin naman ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng early childhood education’, inanunsyo ang pagtatayo ng mahigit sa300 Barangay Child Development at Bulilit Centers ngayong taon, lalo na sa ‘underserved communities.’ Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here