Home NATIONWIDE Pilipinas mas mapayapa na sa pagkawala ng guerilla fronts – PBBM

Pilipinas mas mapayapa na sa pagkawala ng guerilla fronts – PBBM

144
0

MANILA, Philippines – IPINAGMALAKI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas mapayapa ngayon ang Pilipinas.

Ito’y matapos na malaglag at tuluyang malagas ang guerrilla fronts.

Sa katunayan ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang pang-apat na State of the Nation Address (SONA), araw ng Lunes, Hulyo 28, sanib-puwersa ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at dating mga rebelde para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.

“Sa wakas, wala na ring nalalabing grupong gerilya sa bansa, at titiyakin ng pamahalaan na wala nang mabubuo muli,” ayon sa Pangulo.

“Magkakasangga ngayon ang AFP, PNP, at mga dating rebelde sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa BARMM. Kaya naman, ang lipunan natin ngayon ay mas mapayapa at mas mapangalaga rin sa karapatang-pantao, anuman ang edad, kasarian, kundisyon, o pangkat,” aniya pa rin.

Winika pa ng Pangulo na tinutulungan ng gobyerno ang libo-libong dating rebelde at kanilang pamilya para magsimulang muli ng kanilang buhay.

“Their communities are also being developed, and they are being provided livelihood through the help of the private sector,” aniya pa rin.

Maliban sa employment programs, sinabi ng Pangulo na mahigit sa 13 milyong filipino ang nailigtas mula sa armed conflict na nakikinabang na ngayon mula sa ‘health stations, classrooms, water systems, a’ streetlights’ na itinayo ng gobyerno. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here