BAGUIO CITY, Philippines – PATAY ang isang 16-anyos na binatilyo matapos malunod sa isang creek sa Baguio City matapos umanong tumakas dahil sa tangkang pagnanakaw ng bisikleta.
Base sa imbestigasyon ng pulisya na may kasamang umano ang mga biktima na isa pang lalaki na 10-taong-gulang sa tangkang pagnanakaw ng bisikleta sa Barangay Imelda.
Nakita at sinita umano sila ng isang construction worker kaya dali-daling tumakas ang dalawa at tumalon sa kalapit na creek.
Nakaligtas ang 10-anyos na bata pero nasawi ang binatilyo na hindi na umabot sa buhay sa ospital. RNT