Home METRO 16-anyos stude sinaksak ng 50-anyos sa Cavite

16-anyos stude sinaksak ng 50-anyos sa Cavite

1
0

CAVITE, Philippines – Isang 16-anyos na estudyante ang sugatan makaraang sugurin at saksakin ng isang lalaki habang bumbili ng yelo sa tindahan sa Brgy Maliksi 1, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa report ng pulisya kinilala ang biktima na si alyas Drin, 16 anyos, grade 10 student, residente ng Brgy. Maliksi 2 nasabing lungsod.

Arestado naman ang suspek sa isinagawang follow up ng pulisya na si alyas Jovani, 50 anyos, residente ng Brgy. Maliksi 1 ng naturang lugar.

Batay sa ulat, dakong alas 10 ng gabi ng utusan ng ina ang biktima na bumili ng yelo sa tindahan.

Habang nasa tindahan ang biktima, bigla umanong dumating ang suspek na armado ng patalim at kaagad na sinaksak sa braso ang biktima at inuntog pa ang ulo sa pader bago umalis na parang walang nangyari.

Duguang umuwi ang biktima at nagsumbong sa ina nito na agad nagtungo sa barangay at humingi ng tulong sa pulisya.

Sa follow up operation ng Mobile Patrol Unit ng Bacoor City kasama ang ilang Barangay opisyal ng lugar, naaresto ang suspek sa Brgy Maliksi 2. Narekober rin ang 1 kutsilyo na ginamit ng suspek at 2 plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Nasa kostudiya ngayon ng Bacoor Police Station ang suspek na nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 7610 (Child Abuse) at Section 11, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here