Home METRO Tatakas sa ‘Oplan Sita’: 17-anyos nabisto sa dalang marijuana

Tatakas sa ‘Oplan Sita’: 17-anyos nabisto sa dalang marijuana

4
0

MANILA, Philippines – Isang 17-anyos na senior high school student ang arestado nang mabisto ang dalang marijuana makaraang tangkain takasan ang mga pulis sa ‘Oplan Sita’ habang sakay ng motorsiklo sa Valenzuela City.

Sa ulat ni Police Sub-Station 3 Commander P/Capt. Joan Dorado kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, alas-11:40 ng tanghali, nagsasagawa sila ng ‘Oplan Sita’ sa Sampaguita Street corner Dama De Noche, Brgy., Marulas nang parahin ng kanyang mga tauhan ang isang rider para sa beripikasyon.

Gayunman, sa halip na huminto ay pinaharurot umano ng rider ang kanyang motosiklo kaya hinabol siya ng mga pulis hanggang sumemplang umano ito.

Nang makorner nina PCpl Darren Mari Pinili at Pat Edgar Clark De Ocampo Cinco, nakita nilang inihagis umano ng binatilyo ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na kanilang kinumpiska.

Matapos nito, inisyuhan ang driver ng Traffic Violation Receipt (TVR) bago tinurnover siya sa pangangalaga ng CSWD habang i-nimpound naman ang kanyang motorsiklo. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here