Home METRO 16-anyos todas sa dagat matapos tamaan ng kidlat sa CebuMETRONATIONWIDETOP STORIES 16-anyos todas sa dagat matapos tamaan ng kidlat sa CebuJuly 7, 2026 15:2310 FacebookTwitterPinterestWhatsApp CEBU — Patay ang isang 16-anyos na lalaki matapos tamaan ng kidlat habang naliligo sa dagat sa Tuburan, Cebu.Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima matapos magtamo ng mga paso sa katawan.Sugatan din sa insidente ang 14-anyos na kaibigan ng biktima.Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naliligo sa dagat ang mga biktima kasama ang tatlo pa nilang kaibigan nang mangyari ang insidente.Umuulan umano noon at may kasamang pagkulog at pagkidlat.Pinaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na huwag maligo sa dagat kapag masama ang panahon upang makaiwas sa disgrasya. RNT