Home NATIONWIDE 16 OFWs mula Lebanon na naipit sa MidEast tension, nakauwi na ng...

16 OFWs mula Lebanon na naipit sa MidEast tension, nakauwi na ng Pinas

141
0

MANILA, Philippines – Dumating na sa Maynila nitong Lunes ng gabi ang 16 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Lebanon bilang bahagi ng repatriation efforts ng pamahalaan sa gitna ng patuloy na tensyon sa Middle East, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Sa pahayag, sinabi ng DMW na dumating ang mga OFW bandang alas-6 ng gabi sakay ng Turkish Airlines flight na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ito na ang ikalawang batch ng mga OFW mula Lebanon na nakauwi sa bansa, kasunod ng unang batch na 10 OFW na dumating noong Marso 10, kaya umabot na sa 26 ang kabuuang bilang.

Sinalubong ang mga OFW ng mga tauhan ng DMW sa pangunguna ni Assistant Secretary Ma. Regina Angela Galias, kasama ang mga kinatawan mula sa Overseas Workers Welfare Administration at isang medical team. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here