Home NATIONWIDE 16 Pinoy seafarers mula sa MV Transworld Navigator nakatakdang umuwi sa Pinas...

16 Pinoy seafarers mula sa MV Transworld Navigator nakatakdang umuwi sa Pinas ngayong Martes

MANILA, Philippines- Kabuuang 16 Filipino seafarers ang darating ngayong Hulyo 2 mula sa MV Transworld Navigator, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Sa nasabing bilangĀ  walo ang darating ng alas-7 ng gabi o ang ikalawang batch ng mga marino habang walong iba pa ang susunod na darating o ang ikatlong batch bandang alas-12 ng hatinggabi.

Nakatakda silang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na sasalubungin ng mga opisyal ng Migrant Workers sa pangunguna ni Sec. Hans Cacdac.

Mula nang simulan ang repatriation noong Hulyo 1 , nasa kabuuang 21 Filipino seafarers na ang napauwi ng gobyerno mula sa MV Transworld Navigator.

Ang nasabing bulk carrier vessel ay inatake ng Houthi rebels habang dumaraan sa Red Sea.

Ang unang limang marino na dumating sa bansa noong Hulyo 1 ay nakatanggap ng financial assistance at iba pang tulong mula sa gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden