Home NATIONWIDE 16 volcanic quakes naitala sa Bulkang Taal

16 volcanic quakes naitala sa Bulkang Taal

206
0

MANILA, Philippines – Naitala ang 16 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 na oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Miyerkules, Hunyo 4.

Sa bulletin, ang volcanic quakes ay sinamahan ng walong volcanic tremors na tumagal ng dalawa hanggang 32 minuto.

Bukod sa volcanic earthquake, iniulat din ng PHIVOLCS ang katamtamang sulfur dioxide (SO₂) emission na nasa 381 metric tonelada sa Bulkang Taal.

Umakyat naman ng 900 metro mula sa main crater ang gas plume ng bulkan.

Ang naturang bilang ay mas mababa sa 536 metric tons na naitala noong Lunes, at mas mababa sa 1,351 metric tons noong Hunyo 1, at 4,061 metric tons noong Mayo 30.

Wala namang naitalang upwelling ng mainit na volcanic fluids sa main crater lake sa Taal Volcano Island. Wala ring volcanic smog o vog.

Nananatili sa Alert Level 1 ang babala sa Bulkang Taal. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here