Home NATIONWIDE Police boxes, community precincts planong ipasara ni Torre

Police boxes, community precincts planong ipasara ni Torre

199
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang isara ang mga police box at police community precincts kasabay ng planong ang mga paghingi ng saklolo ng publiko ay tutugunan ng pulisya sa pamamagitan ng 911 calls, sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Nicolas Torre III nitong Miyerkules, Hunyo 4.

“Unang sistema kaagad nito ay baka may makita kayo na mga police boxes, PCP na nasasarado na. Isasarado natin kasi kung wala rin lang imbestigasyon na nangyayari diyan sa mga presintong iyan,” ani Torre sa briefing sa Palasyo.

“Ang pulis diyan ay diyan lang. Naghihintay ng ating mga kababayan na tatawag at hihingi ng responde at sila ay magreresponde at dadalhin nila sa kanilang mga headquarters iyong mga kasong iyan. Hindi doon sa police boxes na iyon,” dagdag niya.

Ipinunto ni Torre na walang kagamitan, materyales at pasilidad para sa imbestigasyon sa police boxes at PCPs.

Ani Torre, sa halip ay magpapakalat sila ng mga pulis sa mga kalsada.

Inaasahan naman nila na ang tawag ng saklolo ay matatanggap na sa pamamagitan ng 911 system at reresponde sa loob ng limang minuto.

“Huwag na kayong maghanap ng pulis sa presinto sapagkat ang pulis ay nasa inyo nang mga telepono. Dial 911, darating sila, darating kami sa loob ng limang minuto.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here