Home NATIONWIDE 1,662 gun ban violators arestado

1,662 gun ban violators arestado

MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na umabot na sa 1,662 ang inarestong lumabag sa election gun ban mula Enero 12.

Sa bilang na ito, 1,558 ay sibilyan, habang ang iba ay security guards, pulis, sundalo, at dayuhan. Karamihan sa mga pag-aresto ay naganap sa operasyon ng pulisya.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang 1,677 armas, kabilang ang maliliit na baril, replika, mabibigat na sandata, at pampasabog. Narekober din ang 7,218 bala. Mahigpit na ipinatutupad ang seguridad sa mga checkpoint upang maiwasan ang karahasang may kaugnayan sa halalan.

Mananatili ang gun ban mula Enero 12 hanggang Hunyo 11, habang itinakda ang halalan sa Mayo 12. RNT