AKLAN – Huli ang isang 17-anyos na binatilyo matapos umanong tangkaing magpuslit ng ilegal na droga na itinago sa tangkay ng kangkong habang bumibisita sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Aklan sa Barangay Nalook, Kalibo, Aklan noong Linggo, Abril 5.
Kinilala ng mga awtoridad ang menor de edad sa alyas na “Dadong,” na residente ng Barangay Bugasongan, Lezo, Aklan.







