MANILA, Philippines – Tinukoy ng Commission on Elections ang inisyal na listahan ng 17 lugar na may election-related concerns sa papalapit na halalan sa Western Visayas.
“This is only an initial list. This is not yet final,” ayon kay Dennis Ausan, Western Visayas regional director ng Commission on Elections.
Ang mga lugar na ito ay klasipikado sa red, orange, yellow at green, habang ang red ang may pinakamataas na banta sa election-related violence.
Sa ngayon ay ang Calinog sa Iloilo ang nag-iisang klasipikado sa red category sa Western Visayas.
Ayon kay Reinier Layson, Comelec-Iloilo head, naitala ang election-related incident sa Calinog noong October 2023 barangay elections nang magka-engkwentro ang mga sundalo ng Philippine Army at New People’s Army.
Siyam na barangay naman sa Western Visayas ang unang tinukoy sa orange category.
Lima ang nasa Iloilo. ito ay ang mga bayan ng Badiangan, Janiuay, Leon, Maasin, at San Joaquin.
Mayroon namang tatlong lugar sa Negros Occidental, ito ay ang Calatrava at Cauayan, at Sipalay City, habang ang Tapaz, Capiz ay kasama rin.
Samantala, sa yellow category ay nakasama ang mga bayan ng Ajuy, Lemery, at San Dionisio sa Iloilo province; Isabela at San Enrique sa Negros Occidental province, Tobias Fornier sa Antique province, at President Roxas sa Capiz province. RNT/JGC