MANILA, Philippines – Tinutugis na ngayon ng mga awtoridad ang 40-anyos na lalaki na bumaril-patay sa natutulog nitong kapatid sa kanilang bahay sa Barangay Inayawan, Cauayan, Negros Occidental.
Kinilala ni Police Lt. Col. Lowell Garinganao, Cauayan police chief, ang nasawi na si Alex.
Ani Garinganao, target ng pamamaril ang kapatid ni Alex na si Gerald.
Pauwi na si Gerald sakay ng motorsiklo na minamaneho ng kasama nito mula sa isang pista nang magpaulan ng putok ang apat na hindi pa tukoy na armadong kalalakihan.
Nakatakas ang mga kasamahan ni Gerald, habang ang huli naman ay tinamaan sa dibdib na nagawa ring makauwi sa bahay.
Sinundan ng mga suspek si Gerald hanggang sa bahay nito at dumaan sa kwarto kung saan natutulog si Alex.
Sa pag-aakala ng mga suspek na si Alex ang hinahabol nila ay pinaputukan nila ito.
Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril ang biktima na namatay on the spot.
Nagawang makapagtago ni Gerald sa likuran ng kanilang bahay na ngayon ay nagpapagaling na sa ospital.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente. RNT/JGC