Home NATIONWIDE 170K trabaho alok sa Labor Day – DOLE

170K trabaho alok sa Labor Day – DOLE

MANILA, Philippines- Nasa 170,000 trabaho sa local at overseas ang nakatakdang ialok sa ikakasang job fair sa 70 sites sa buong bansa sa Labor Day, ayon sa isang opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Labor Secreatary Bienvenido Laguesma, lalahukan ang job fair ng 2,000 employers at isasagawa sa kooperasyon ng mall operators sa buong bansa.

Sinabi ni Laguesma na ang kamakailang job fair ay nakapagtala ng on-the-spot-hire, humigit-kumulang 100 sa Malolos, Bulacan noong Biyernes; 128 sa Dagupan noong Biyernes at 170 sa Pampanga.

Sa pinakabagong datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), nagpapakita na mayroong 1.94 milyong Pilipino na may edad 15 pataas ang walang trabaho noong Pebrero. Mas matass ito sa 1.80 milyong walang trabaho noong Pebrero 2024, ngunit mas mababa sa 2.16 milyon noong Enero.

Ayon sa DOLE, mayroong 49.15 milyong Pilipinong may trabaho sa nasabing buwan, katumbas ng employment rate na 96.2%.

Sa mga indibidwal na may trabaho, mayroong 4.86 milyong underemployed o mga nagpahayag ng pagnanais na magkaroon ng karagdagang oras ng trabaho sa kanilang kasalukuyang trabaho o magkaroon ng karagdagang trabaho, o magkaroon ng bagong trabaho na may mas mahabang oras ng trabaho. Jocelyn Tabangcura-Domenden