Home HOME BANNER STORY 179 patay sa Jeju Air plane crash

179 patay sa Jeju Air plane crash

SOUTH KOREA – Pinaniniwalaang aabot na sa 179 ang bilang ng mga nasawi nang bumagsak ang eroplano ng Jeju Air sakay ang 181 katao habang papalapag ito sa Muan International Airport sa South Korea.

Ang eroplano ay mula Thailand na nakaranas umano ng insidente ng pagtama ng ibon at masamang kondisyon ang panahon na posibleng dahilan ng crash.

Sa video, makikita ang eroplano ng Jeju Air mula Bangkok na naglanding sa Muan International Airport at sumadsad lampas sa runway saka tumama sa isang pader at kalaunan ay sumabog ito at nilamon ng apoy.

“Passengers were ejected from the aircraft after it collided with the wall, leaving little chance of survival,” ayon sa isang local fire official.

“The plane is almost completely destroyed, and identifying the deceased is proving difficult. The process is taking time as we locate and recover the remains,” dagdag pa.

Sa insidente, dalawa katao lamang ang nailigtas at 120 ang kumpirmadong bilang ng mga nasawi. Ang nalalabing bilang ay patuloy pang pinaghahanap ngunit pinaniniwalaang nasawi na rin.

Ang insidente ay nangyari nitong Linggo, Disyembre 29 kung saan ang Jeju Air Flight 2216 ay magla-landing na sa Muan International Airport na may 175 pasahero kabilang ang dalawang Thai national at anim na crew.

“It took approximately three minutes from the control tower’s mention of a bird strike warning to the aircraft’s attempt to land on the runway again.”

Dalawang minute bago ang pag-crash, nakapagpadala pa ng Mayday call ang piloto.

“The runway is 2,800 meters long, and similar-sized aircraft have been operating on it without issues.”

“It is unlikely that the accident was caused by the length of the runway.”

Sa briefing, sinabi ni Lee Jeong-hyun, hepe ng Muan fire station, na ang sanhi ng insidente ay “presumed to be a bird strike combined with adverse weather conditions.”

“However, the exact cause will be announced following a joint investigation,” ani Lee.

Nangako naman ang Jeju Air na tutulong sa pamilya ng mga biktima.

“We sincerely apologize for causing concern,” saad sa pahayag nito sa kanilang social media channels. RNT/JGC