Home NATIONWIDE LRT may libreng sakay ngayong Rizal Day

LRT may libreng sakay ngayong Rizal Day

MANILA, Philippines – Magkakaloob ng libreng sakay sa Light Rail Transit Line 2 ngayong Lunes, Disyembre 30 bilang pagdiriwang ng Rizal Day.

Sa abiso, sinabi ng LRTA na ang libreng sakay ay mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Aalis ang unang tren sa Recto Station at Antipolo Staiton alas-5 ng umaga at ang huling tren ay aalis ng Antipolo Station alas-9 ng gabi habang alas-9:30 ng gabi naman sa Recto Station.

“Bilang paggunita at pakikiisa sa anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal, inihahandog ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang libreng sakay sa Deeember 30, 2024,” ayon sa pamunuan ng LRTA. Jocelyn Tabangcura-Domenden