Home NATIONWIDE 17K sundalo mula sa 7 bansa, lalahok sa 2026 “Balikatan” exercises

17K sundalo mula sa 7 bansa, lalahok sa 2026 “Balikatan” exercises

140
0

MANILA, Philippines – Mahigit 17,000 sundalo mula sa pitong bansa ang lalahok sa 2026 “Balikatan” exercises na gaganapin mula Abril 20 hanggang Mayo 9, sa itinuturing na isa sa pinakamalaki at pinaka-komplikadong edisyon ng taunang war games. Kabilang sa mga kalahok na bansa ang Pilipinas, United States, Australia, Japan, Canada, France, at New Zealand.

Sinabi ni Philippine “Balikatan” spokesperson Marine Col. Dennis Hernandez na nasa “17,000 plus” ang kasalukuyang bilang ng mga kalahok, bagamat maaari pa itong magbago depende sa pinal na force commitments.

“[The ]‘Balikatan’ exercise is already a pre-planned activity, and the force commitment is there. So there are no permanent figures right now, but that figure still holds, 17,000 plus,” aniya.

Ayon sa mga ulat, sasaklawin ng pagsasanay ang air, land, maritime, at cyber domains habang lalo pang pinalalawak ang saklaw ng “Balikatan” mula sa isang pangunahing bilateral exercise tungo sa mas malawak na multinational effort.

Kabilang sa mga aktibidad ang maritime operations, integrated air and missile defense, counter-landing live-fire exercises, at humanitarian missions.

Makikilahok din ang Japan sa live-fire drills sa unang pagkakataon, kabilang ang isang ship-sinking exercise gamit ang Type 88 surface-to-ship missile, hudyat ng mas pinalalim na papel nito sa defense cooperation.

Isinasagawa ang pinalawak na ehersisyo sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa South China Sea, bagamat iginiit ng mga opisyal ng Pilipinas na hindi ito nakatutok sa anumang partikular na bansa. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here