Home METRO 185 durugista, P5M iligal na droga timbog sa Central Luzon buy-bust ops

185 durugista, P5M iligal na droga timbog sa Central Luzon buy-bust ops

Bulacan – Arestado ang 185 indibiduwal habang nasa P5,731,827.52 halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Central Luzon kabilang ang lalawigang ito.

Sa report na nakarating kay Region 3 Police director PBGEN Jean Fajardo, naaresto ang 185 pinaghihinalaang tulak sa magkakahiwalay na ikinasang 137 buy-bust operation ng mga parak.

Nabatid na ikinasa ang 137 buy-bust operation mula Abril 21 hanggang Abril 27 sa ibat-ibang panig ng rehiyon kabilang ang lalawigan ng Bulacan.

Nakumpiska sa operasyon ang 840.82 gramo ng hinihinalang shabu, 118.67 gramo ng marijuana na may kabuuang halagang P5,731,827.52.

Kaugnay nito, sa tala ng Bulacan Police, huli ang 59 indibiduwal habang nakasamsam ng 80.21 grams ng hinihinalang shabu, 23 gramo ng marijuana na may halagang P548,188.00 sa 33 buy-bust operation ng mga parak sa kaparehong petsa sa ibat-ibang lugar ng lalawigang ito.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa istasyon o yunit na humuli sa kanila. Dick Mirasol III