MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Metro Manila ng 186 millimeters ng ulan sa loob ng 23 oras o mula alas-9 ng umaga ng Agosto 20 hanggang alas-8 ng umaga ng Agosto 30 dahil sa Habagat, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Linggo.
Sa datos mula sa DOST-PAGASA Science Garden Station sa Quezon City, naitala ang kabuuang dami ng ulan sa loob lamang ng 23 oras.
“Based on records from the DOST-PAGASA Science Garden Station in Quezon City, the amount of rainfall dumped on Metro Manila reached 186 millimeters (mm) within 23 hours, from 9 a.m. on August 29 until 8 a.m. today, August 30,” sinabi ng MMDA.
Noong Sabado, sinabi ng PAGASA na naitala ang 143.5 mm ng ulan sa Metro Manila sa loob ng siyam na oras, o mula alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.
Sa kabila ng malalakas na pag-ulan ay mabilis namang humupa ang baha sa ilang lugar, ayon sa MMDA.
“Some of the key measures implemented to alleviate flooding include the deployment of mobile pumps to speed up the drainage of accumulated water, as well as ongoing declogging and dredging operations in drainage systems and waterways, and the removal of trash and debris from drainage inlets,” dagdag pa ng ahensya.
Patuloy naman nitong imomonitor ang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila 24/7 hanggang sa tuluyan nang humupa ang mga pagbaha. RNT/JGC