Manila, Philippines – Sa podcast ni 2018 Ms.Universe Catriona Gray kasama ang kapwa beauty queen na si Nicole Cordovez, nahingan ng payo ang una ng isang listener tungkol sa kinakaharap niyang sitwasyon sa isang guy.
Ayon sa letter sender, naghiwalay sila ng kanyang ex dahil magkaiba ang prayoridad nila sa buhay.
Feeling din daw niya ay walang plano sa kanya ang former boyfie.
Gayunpaman, hindi raw naman naging toxic ang kanilang breakup.
Dagdag pa niya, may parte raw sa sarili niya na nacu-curious o nagki-care pa rin siya sa ex kaya naman pina-follow pa niya ito sa social media.
Tanong ng sender, nakatutulong daw ba ang kanyang ginagawa para maka-move on siya sa kanilang hiwalayan.
Payo naman ni Cat, okey lang daw na i-unfollow niya ang ex kung pakiramdam niya ay emotionally stuck siya at hirap mag-move on.
Hindi rin daw niya kailangang magpaliwanag sa kanyang desisyon to unfollow just because in good terms naman sila nang mag-break up.
Ang punto raw ay hindi para magalit o gumanti sa ex kundi para mabigyan ng espasyo ang sarili para makapag-heal.
Sey pa niya, importanteng i-prioritize din daw ng sender ang kanyang peace of mind at recovery mula sa heartbreak.
Dagdag pa niya, dapat daw ay malaman ng mga lalake na may mga pangangailangan din ang mga babae tulad ng ini-envision nilang future sa isang seryosong relasyon.
Hirit pa ng dating beauty titlist, ‘di rin niya bet ang mga paasa at walang malinaw na plano o direksyon sa pakikipagrelasyon.
Matatandaang noong inanunsyo nina Catriona at ex na si Sam Milby ang kanilang breakup noong 2023 ay in-unfollow din na nila ang isa’t-isa. Archie Liao