Home METRO 19-anyos tumalon sa footbridge sa Pasay, patay

19-anyos tumalon sa footbridge sa Pasay, patay

250
0

MANILA, Philippines – LUMUNDAG sa kanyang kamatayan ang isang COED sa Pasay City kaninang madaling araw.

Dakong 5:40 ng umaga October 18, 2024 nang maiulat sa STOC Pasay City Police Station na isang babae ang nakitang nakahandusay sa bahagi ng EDSA North Bound malapit sa Footbridge ng MRT Taft Station, Barangay 146, Zone 16, Pasay City.

Kinilala ang biktima na isang 19-anyos na estudyante na residente ng Parañaque City.

Agad na dumating ang mga pulis ng Substation 5, Sto. Niño, Pasay City sa pangunguna ni PEMS Socrates Tuzon upang saklolohan ang biktima, tumawag ng ambulansya, kinordon ang area at tumawag ng imbestigador.

Sa inisyasl na imbestigasyon ng mga pulis, isinalaysay ng witness na si Jonathan Tenedero, isa ring estudyante, na nakita pa niyang nagkape ang biktima bago umakyat sa MRT footbridge saka tumalon patalikod.

Ayon sa nagrespondeng imbestigador, hindi na kinakitaan ng buhay ang biktima kaya idineklarang dead on the spot mula sa mataas na pagkakalundag.

Sinisilip pa ngayon ng pulisya ang posibleng dahilan ng pagtalon ng biktima sa foot bridge. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here