Home METRO 19 crew iniligtas ng PCG matapos tumagilid ng barko sa Naga Port

19 crew iniligtas ng PCG matapos tumagilid ng barko sa Naga Port

183
0

CEBU, Philippines – Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ilang crew na na-trap sa tumaob na MV Theresa I at Berth 1, APO Cement Port in Naga City, Cebu, noong Marso 11, 2026.

Ayon sa Coast Guard District Central Visayas (CGDCV), nagsasagawa ng loading operations ang barko nang biglang tumagilid habang nagsasagawa ng de-ballasting procedures at tuluyang tumaob.

Kinumpirma ng mga responses na isang crew ang na-trap sa loob ng engine room.

Agad na nagsagawa ng rescue operations at iniligtas ang na-trap na crew member na binigyan din ng agarang atensyong medikal.

Ligtas na ang lahat ng 19 crew members na sakay ng barko at maayos na nai-evacuate.

Samantala, ang cement handler ay sugatan at dinala sa hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Upang maiwasan ang posibleng polusyon sa dagat, nag-deploy ang CGDCV ng 100 metro ng oil spill boom sa paligid ng barko at patuloy na minomonitor ang lugar para sa posibleng pagtagas ng langis.

Ang Coast Guard Sub-Station Naga, sa pakikipagtulungan sa Naga City Disaster Risk Reduction and Management Office, ay nagsagawa ng response operation. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here