Home HOME BANNER STORY 19 police commanders sa Davao inalis sa pwesto

19 police commanders sa Davao inalis sa pwesto

DAVAO CITY – Hindi bababa sa 19 police station commanders ang na-relieve sa kanilang mga puwesto epektibo nitong Lunes, Hulyo 8, ayon sa Police Regional Office sa Davao Region (PRO-11).

Sa isang pahayag, sinabi ni PRO-11 spokesperson Maj. Catherine Dela Rey na hakbang ay base sa direktiba na inilabas ni Brig. Gen. Nicolas Torre, ang PRO-11 regional director.

“Ang hakbang ay bahagi ng tungkulin o gawain ng regional director na magtalaga ng mga opisyal,” sabi ni Dela Rey.

Sinabi niya na pinalitan ng mga opisyal mula sa PRO-11 department at police provincial office ang mga na-relieve na opisyal.

Noong Mayo ng taong ito, 35 opisyal ng Davao City Police Office (DCPO), kabilang ang dating hepe ng DCPO na si Col. Richard Bad-ang, ay tinanggal sa kanilang mga puwesto.

Sa 35 na-relieve na tauhan ng DCPO, anim ang station commander, limang deputy commanders, 23 police non-commissioned officers (PNCOs), at Bad-ang.

Sila ay itinalaga sa punong tanggapan ng Regional Personnel Holding and Accounting Section.

Inirekomenda ng Police Regional Office-Regional Internal Affairs Service ang pag-relieve sa 35 tauhan ng DCPO kasunod ng imbestigasyon sa pagkamatay ng pitong indibidwal sa anti-illegal drug operations mula Marso 23 hanggang 26. Santi Celario