Home NATIONWIDE 2.4-M family food packs inihanda na ng DSWD vs nagbabadyang bagyo

2.4-M family food packs inihanda na ng DSWD vs nagbabadyang bagyo

286
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may nakahandang higit 2.4 milyong family food packs (FFPs) sa buong bansa bilang paghahanda sa paparating na sama ng panahon na posibleng maging bagyong Paolo.

Ayon kay Assistant Secretary Irene Dumlao ng Disaster Response Management Group, nakapamahagi na ang DSWD ng mahigit 300,000 FFPs sa mga pamilyang naapektuhan ng Mirasol, Nando, at Opong, habang tuloy-tuloy ang replenishment.

“Production continues… to meet our stockpile target of 3 million FFPs at any given time nationwide,” aniya, kasabay ng direktiba ni Pangulong Marcos na walang pamilyang magugutom sa oras ng kalamidad.

Dagdag niya, nakatulong ang mechanized packing system sa Luzon at Visayas centers para mapabilis ang produksyon. May ₱379 milyon ding standby funds ang ahensya at nakahanda ang mga disaster response vehicles, mobile kitchen, water stations, at command centers para sa agarang deployment.

“Muli ay nais po naming ipaalala… na patuloy na mag-ingat at makinig sa anunsyo ng inyong mga local chief executives para po mapanatili ang inyong kaligtasan tuwing may sakuna,” ani Dumlao. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here