CEBU – Iniulat ng Office of Civil Defense (OCD) na umabot na sa 26 ang nasawi at 147 ang nasugatan matapos ang magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Bogo City, Cebu noong Martes ng gabi.
“Situation still being assessed. We’ve been receiving reports of casualties from different sources. However, we still need to validate those reports to provide a clearer picture,” pahayag ni OCD deputy spokesperson Diego Mariano.
Batay sa PHIVOLCS, naganap ang lindol alas-9:59 ng gabi, na unang naitala sa magnitude 6.7 bago itaas sa 6.9.
Tectonic ang pinagmulan nito at may lalim na limang kilometro. RNT