Home NATIONWIDE Taal Volcano, sumabog; alert level 1 nakataas

Taal Volcano, sumabog; alert level 1 nakataas

296
0

MANILA, Philippines – Bahagyang sumabog ang Bulkang Taal nitong Miyerkules ng madaling-araw, Setyembre 30, ngunit nananatili sa Alert Level 1 ang estado nito, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Nagsimula ang pagsabog bago mag-ala-2 ng umaga at nagtapos bandang 2:15 a.m. Patuloy pang kinokolekta ng PHIVOLCS ang mga detalye tungkol sa insidente.

Sa pinakahuling 24-oras na monitoring, nakapagtala ang PHIVOLCS ng dalawang volcanic earthquakes, 68.7°C na temperatura sa main crater lake, sulfur dioxide emissions na 563 tonelada kada araw, at mahinang usok na umabot ng 500 metro na tinangay patungong timog-kanluran. Nakapansin din ng bahagyang pamamaga sa Taal Volcano Island.

Nagbabala ang mga awtoridad na maaari pa ring magkaroon ng biglaang steam-driven explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall, at nakalalasong gas.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island, partikular sa Main Crater at Daang Kastila fissures, gayundin ang pagpapalipad ng eroplano malapit sa bunganga ng bulkan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here